Bigla na lang tumunog ang trumpeta ng digmaan. Nagmadaling bumalik sa Palasyo ang Kondessa at ang Kawal. Malungkot na inihatid ng Kawal ang Kondessa sa isang Barko na pabalik sa Bayang Mahamog. Nagpaalaman ang dalawa na puno ng lunkot ang kanilang mga mata.
"Mapanganib ang manatili ka dito sa Isla, Kondessa" Ang sabi ng Kawal. "Yumaon ka na sa iyong bayan at mas ligtas ka doon."
Tumango na lang ang Kondessa. HIndi nya malaman kung bakit hindi tumutulo ang kanyang luha kahit na nag-uumapaw ang kalungkutan sa kanyang dibdib.
Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan na walang sulat ni balita sa Kawal. Unti unting nagbago ang Kondessa.Umalis sya sa kanyang katungkulan sa Bayang Mahamog dahil sa nawala na ang kanyang magandang boses na kailanggan sa pagbiigay enerhiya sa buong syudad. Nagpunta sya sa mga dekampanilyang doktor sa bayang Mahamog (malakas kasi sila sa Hari) upang malaman ang lunas sa kanyang sakit ngunit ni isa sa kanila ay walang nakatulong.
Sa kanyang desperasyon, pumunta sya sa albularyo ng bayang Mahamog.
"Malubha ang kalagayan mo Kondesa. Wala na ang iyong puso." sabi ng albularyo.
"Imposible!" ang halos pasigaw na sagot ng Kondessa. "Kung wala akong puso'y di na ako mabubuhay!"
"Yon ang paniniwala ng mga doktor. Sa katunayan ay maari kang mabuhay ng hanggang isang taon nang walang puso. Kung ano man ang ipinakita sa iyo ng mga doktor, hindi iyon ang puso mo. Isang pumipintig na lalagyan na lang iyon. Wala ka nang puso. Kung hindi mo ito makukuha muli, unti unti kang mamatay sa loob ng isang linggo."
At pinaharap ng Albularyo ang Kondessa sa isang salamin. Doon nakita ng kondessa ang kanyang sarili: maputla at nangingitim na mga labi.
"Anong dapat kong gawin? Saan ako makakabili ng bagong puso?"
"Hindi nabibili ang puso.Kailanggang maglakbay kang muli at kunin mo ang iyong puso at patayin ang magnankaw. Ikaw lamang ang makakagawa nito. Kailanggan mo itong gawin sa lalong madaling panahon, habang may lakas ka pa."Kinabuhasan ay bumalik ang mga agila sa bayang mahamog na may malungkot na balita: Hindi pa rin tapos ang Digmaan sa Disyerto at ang Kawal ay nawawala. Hindi maiulat ng mga opsiyal na patay na ang Kawal dahil sa hindi pa rin nakikita ang kanyang bankay.
May isang luhang tumulo sa kanang mata ng naghihingalong Kondessa. At isa pang luha sa kaliwa hanggang sa marining ang mahina nyang pag-iyak.Naghanda sya para sa mahabang paglalakbay.
"Alam ko kung ano talaga ang nangyari," ang sabi ng albularyo nang bumalik ang Kondessa."Ibinigay mo ang puso mo ng walang naging kapalit."
Hindi kumibo ang Kondessa. Pinagpatuloy nya ang paghahanda ng mga kakailangganin nya. Totoo ang sinabi ng Albularyo. I binigay nga nya ang kanyang puso sa Kawal.
Bumalik sa kanyang alala ang huli nilang pagsasama ng Kawal.
"Alaala mo lang ang pwede kong dalhin sa digmaan" Ang nasabi ng Kawal bago umuwi ang Kondessa
Nagtitigan sila ng matagal. Walang tinig na lumabas sa kanilang mga labi. Ibinigay ng Kondessa sa Kawal ang isang kwintas na may kristal na bato. Iyon ang kanyang puso.
"Dalhin mo ito." ang sabi ng albularyo habang iniaabot ang isang kriss na gawa sa lantay na pilak. "Kakailangganin mo sa iyong paglalakbay".
Sa Isla nagpunta ang Kondessa at hindi sa Disyerto. May nagsasabi sa kanyang isip na masmalapit ang kanyang puso sa Isla. Dinala sya ng kanyang mga paa sa isang gubat na madawag at madilim. Halos isang buong araw din syang naglakad hanggang sa nakita nya ang isang dampa.
Pumasok sya sa loob ng dampa. At doon nakita nya ang Kawal na sugatan.
"Nagbalik ka." Ang pabulong na sabi ng Kawal.
HIndi sumagot ang Kondessa. Lumapit pa sya ng kaunti para makita ng lubusan ang Kawal.
"Binalak mo bang kunin ang puso ko?"
Napangiti ang kawal. Bumalik sa alala ng Kondessa ang Pigiging mga isang taon na ang nakalilipas...
"Pagbalik ko, dito na tayo maninirahan sa Isla." Ang sabi ng Kawal habang sumasayaw sila ng Kondessa. Napagiti sa saya ang Kondessa. Ngunit sa likod ng kanyang isip aya alam nyang hindi na sya maaring mabuhay na wala ang hamog, at isang daang taon na ang nakalipas ng huling magkaroon ng hamog sa Isla.
"At paano ka nakaksisigurong makababalik ka? " Ang tanong ng Kondessa.
"Habang nasa akin ang puso mo, hindi ako mamatay". Ang sabi ng nakangiting Kawal.
At ang ngiting iyon ay hindi naalis sa isipan ng Kondessa, hanggang sa sumadaling iyon, sa kabila ng mga sugat ay hindi pa rin nagbabago ang ngiti ng Kawal.
"Oo." At tumawa ng nmahina ang kawal. "Pwede mo na ring sabihing natatakot akong mamatay, at kailanggan ko ng isa pang puso para makaligtas sa Digmaan."
"Minahal kita!" Ang sabi ng Kondessa na lumuluha.
"At minahal din kita!" Ang sabi ng Kawal. "Pero hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ang tagapagmana ng Reyna ng Nieve!"
Ang reyna ng nieve ay may kapangyarihang magpaulan o magpaaraw. Sya ang may-ari ng panahon...
Nanumbalik ang kulay sa mukha ng Kodessa at makalipas ang isa pang araw at tuluyan na syang gumaling.
Makalipas ang ilang taon ay nakabalik na rin sa kanyang trabaho ang Kondessa. Sya pa rin ang pinagtitiwalaan ng Reyna.
No comments:
Post a Comment