Kinse ang online o, at kilala ko sila lahat. Hindi lang sa kilala ko sa internet chat room or sa facebook. Inisa isa ko ang mga pangalan, talagang wala akong gustong kausapin. Ganon ba talaga pag tumatanda na? Para kasing napakalayo nang panahon ko sila nakasama, parang hindi na nga totoo.
So nag log out na lang ako, tapos ko naman nang burahin yung mga junk mail. At nasagot ko na rin ang mga email na mahalaga. Nakakatawa lang isipin, na sa labing lima na tao na siguro'y nakikipag-usap rin kung kanikanino, ni wala manlang akong kinausap. Ang totoo kasi, ayoko rin naman makipagusap. Kahit kanino. Minsan kasi merong mga pag-uusap na natatapos lamang sa kalituan at sobrang pag-iisip. Lito na ako at sobrang mapag-isip.
Inisip ko yung taong gusto ko laging kausap. Hindi naman kasi sya nakikipagchat. Naisip ko rin kung naiisip nya rin ba ako? Nakatunganga ba sya sa cellphone nya at iniisip kung tatawagan ba nya ako? Nagtatanong lang naman. Sino ba naman ako para isipin nya? Magkaibigan lang naman kami. May buhay sya doon sa kabilang baryo, at abala rin naman ako sa buhay ko dito. Masyado lang ako sigurong umaasa.
Biglang umilaw ang cell phone ko. Naka-slient kasi. At sa malalaking letra lumabas ang pangalan nya. Wala naman akong palayaw sa kanya kaya sinulat ko na lang pati apelyido. Sa ganung paraan pwede kong pagpantasyahan na balang araw magiging apelyido ko rin ang apelyido nya.
"Hello?" ang sabi ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong nya. Parang masaya ang boses nya, hindi kaya sya nakainom?
"Wala lang, eto nagsusulat." Ang sabi ko. Ang totoo dalawang oras na akong palipat-lipat sa Mafia Wars at Cafe World, kung saan mabilis akong yumaman at ang problema ko lang ay pagnaubusan ng energy o kulang ang stove.
"May pasok ka ba bukas?" Tanong nya. "Gusto mo bang pumunta sa Half Moon Bay?"
"Ay may pasok ako eh" Sabi ko. Sayang talaga. Pero teka, gusto ba nya akong i-date? DATE NA BA ITO???
"Ah ok. Eh sa Miyerkules?" Tanong nya ulit.
"O... yeah sige punta tayo." Ang sabi ko naman.
"O sige, kita na lang tayo!" sabi nya. Buti na lang hindi nya sinabing, "Hanggang Sa muli!".
Teka, so inimbita nya ako sa Half Moon Bay, para saan? Tatawag ako sana ulit, pero nahiya na ako. Nakainom lang ba ito?
Pero talagang hindi ito umiinom eh.
1 comment:
tunay na kakaiba ang iyong mga katha. may kinalaman pa rin ba ito sa iyong mafia?
Post a Comment